Thursday, December 23, 2010

Sa Aking Pagdalaw

In English: In my visit.

Madalas naman talaga akong pag kamalan. Minsan super model, minsan celebrity, minsan anghel, minsan diwata, minsan Dyosa (oops tama na korni na) pero this time ibang level to, promise!

Thursday ako umuwi ng bahay galing dorm, matutulog sana ko pero nag teks ang aking ina. Ayon sakanya pumunta daw ako sa eskwelahan ng kapatid ko at panuorin ko sya sa pag sasayaw nya sa kanilang CHRISTMAS program, muse daw siya e. Napaisip tuloy ako, uso na pala ang muse sa mga Christmas program, iba na talaga ang henerasyon ngayon.
Apat na kanto lang ang layo ng skul ng kapatid ko sa bahay namen kung medyo masipag sipag ka pwede mong lakarin. Cge pupunta ko bukod sa malapit lang ang skul nila Chuchay, palayaw namen sa bunso kong kapatid, e gusto ko din talaga siyang mapanuod, mag muse? sumayaw. Makikita ako ng mga dati kong titsher na hindi ko na dinalaw simula nung grumaduate ako ng elementary. Pero naka oo na ako sa aking ina, bahala na si spongebob.

7:30am daw ung start ng program, pangatlo daw mag peperform sila Chuchay. Tineks ako ng ina ko ng 9am pero dahil naligo pa ako at nag bihis ng madalian at nag special na traysikel na para maka abot sa sayaw ng kapatid ko umabot ako 10am nakarating ako sa skul nila tamang tama lang nasa stage na ang kapatid ko sumasayaw, umikot, at nag bow, tapos na. Todo palakpak ako ang galing ng kapatid ko, takbo ako sa gilid ng stage..

Ako: CHUUUCHHHAYY!!
Chuchay: ate! pinanuod mo ako?
Ako: *oo, napanuod kitang mag bow chuchay.* oo naman! ang galing manang mana kay ate!
*nag apir kame*

Nanuod pa kame ng ibang nagperform. Andun si Jollibee, sigawan ang mga bata pag labas nya, pero nung nag sasayaw na siya sa stage parang mas naaliw pa ung mga bata sa baklang kasama niya, un lang di naka costume ung bading.
Tapos na ang program. “Hay natapos nadin.”-sabe ng katabi kong di ko kilala pero di din un estudyante. “Ay tapos naba?bilis naman”-sabe ko. “napansin mo?nagteteks ka lang naman buong program”-ndi niya yan sinabe, nararamdaman ko lang na yan ang iniisip niya.

Ako: MAMA!! di pa ba tayo uuwi?
Ina ko: Ndi mo ba dadalawin mga titcher mo? si Sir Voven parate kang hinahanaap.
Ako: *Siiir VhovhEn?* Ah. si sir boben! geh kaw bahala.
Bago pa ko makalapit kay Sir e naharang na ko ng mga mapanuksong tingin ni Mrs.Hekasi 4,
Ako: maam! musta na po? naaalala nyo pa ako???
Mrs. Hekasi 4: *ndi ako pinansin nakatingin kay chuchay* Anak mo????
Ako: *na SHOCK* huwaaaat! loko kayo maam ha! sos maryoseppp KAPATID KO YAN! lapastangan kayo. mukha na ba akong may anak????????????
-pero syempre JOKE lang yon. dahil sa kabaitan ko eto ang relax na relax kong nasabe.
Ako: maam hindi maaam. Kapatid ko po yan, bunso.
Mrs. Hekasi 4: AHH. May bunso pa pala kayo. akala ko kasi si face na ang bunso. haha!
(nag kwentuhan pa kami ng 2mins tapos..)
Mrs. Hekasi 4: Sige LANCE kaawaan ka ng Diyos! mag aral mabuti ha.
Ako: *speechless..”okay spongebob!”*

Mag dadalawang isip na sana akong lapitan si sir pero parang may nag uudyok saken gawin yon. (yes.anlalim!). nahirapan ako makalapit kay sir dahil nakaupo siya sa kalagitnaan ng lahat ng nandon na nanunuod. di padin siya nag babago. malayo pa lang ako natanaw na niya ko pero cguro hinintay ko siya ng mga 6mins.

Sir HEKASI 6: uiiiiiiiiiiii BEAUTIPOOOOL!
Ako: helo sir! musta na po, gwapo padin!
Sir HEKASI 6: napaka ganda mo padin.
--matapos ang walong minutong pag bobolahan at 3 minutong pag kakamustahan.
Sir HEKASI 6: natutuwa talaga akong Makita ang paborito kong estudyante of all seasons. Mag aral kang mabuti LANCE ha!
Ako: *frustrated.”anak ng..”* *sir alam kong naging advisory mo c Lance at mas latest mo siyang naging estudyante, pero mas CLOSE tayo remember???sobrang close kaya naten sir*
Sir HEKASI 6: *kaya pala ndi mo na ako dinalaw after graduation*

Nasa isip lang namen lahat yon. Alam ko lang. pero ang totoo ngiti lang ang isinagot ko sa “mag aral mabute LANCE!”. Napaisip tuloy ako, ako nga kaya ang paborito niya? hay napakibit balikat naman ako dun. *medyo sad face*
Pagkatalikod na pagkatalikod ko kay Sir, nakita ko si Mrs. Grade4 at si Ms. Filipino 6. nakatingin sila saken kaya no choice ako alam nyo na..

Ako: MAAAAM! *nag.bless*
Mrs. Grade 4: May asawa ka na??
Ako: *cge lang maam* wala po! wala nga akong jowa eh. *bigyan mo ko maam*
Mrs. Filipino: nakita kita nung isang lingo e may kasama ka eh ang sweet sweet nyo pa nga eh.
AKo: saan maam?
Mrs. Filipino: diyan lang sa tabi2.
Ako: *halatang imbento, naka dorm kaya ako, umuuwi lang ako sa pasig para matulog kumaen at sumamba.* baka naman po kamukha ko lang, malamig nga ang PASKHOO ko maam eh.

*75% kamustahan + 25%bolahan = 9mins*

Mrs. Grade 4: Cge Lark mag ingat ha. wag muna mag aasawa.
Haay buti naman tinawag niya ko sa pangalan ko, bumawi lang siya dun sa may asawa. Pero mabuti nadin walang napag kamalan akong buntis, kundi baka naiyak talaga ko. Feeling ko nawabasan ng 5% ang self confidence ko.
Nakita at nakausap ko pa si Mrs. Grade 5 pero wala masyadong ikwekwento, parang ni ndi siya gaanong natuwang nakita ako. parang konti lang. atleast di na nya nadagdagan ung 5%.

Bago kami umuwi narinig ko si sir HEKASI, napakalakas ng boses niya,
Sir HEKASI: Nakita mo din si lark? napaka ganda niya noh? DAALAAGAA na!
Ui nadagdagan ng 3% ung confidence ko bale 98% na siya ulet. thanks padin kay sir 2% lang ang inalis niya kanina pero 3% ang binalik niya. Bilang ganti ndi talaga ako umalis don hanggat di niya ko napapansin.

Sir: ui andyan ka pala. (totoong di niya talaga ako napansin, peksman!)
Ako: hehe.
*hinatid niya kami sa sakayan*
AKo: Bye sir di padin kayo tumatanda! walang pag babago poging pogi paden! *bow*

Nag yabang pa ng onte si sir bago niya pinaalis yung tricycle.
umandar ang tricycle.

“Sige na. Hindi naman talaga ako nag sisising pumunta ako don. Atleast.”