Saturday, March 13, 2010

--UNDER CONSTRUCTION

at tulad nga ng sabe ko,
itutuloy ko ang blog na to.

pero medyo papalitan ko na ang theme at atmosphere.
ayoko na ng emo at msyadong madramang mga kwetuhan.

haha!

sana sa gagawin kong to dumami ang viewer ng blog ko.
hindi ko alam kung ano ba talagang nag uudyok saken mag blog ngayong napaka tamad kong tao, at hindi lang ako tamad, hindi ko man gustohin, busy ako, oo BUSYing tao.

sana matuloy tong plano ko at hindi mauwe sa puro plano lang, tulad nd ibang mga pina plano ko.
natutuwa kasi talaga ako kapag kahit ganitong isang hamak na estudyante lang ako e may mga tao palang naaliw sa blog ko. kapag may nag sabeng, "ui lark, nabasa ko ung blog mo aa, ASTEEG!" eh daig ko pa ang naka perfect ng 100items quiz, no calculator at no solution, no credit, right minus wrong pa. kahit sa totoo lang isa palang ang nagagawa kong blog sa buong buhay ko at hindi naman ganon kadami ang admirers non.

madrama talaga at makwento akong tao kahit sa personal, alam yan ng lahat ng mga kainigan ko.
minsan nga sa ingay ko eh madalas makayamot ako, madalas din na hindi na makapagsalita ang kausap ko sa dami ng kwento ko. dito sa pagsusulat ko eh ako lang ang nakakadaldal, matatapos muna ko at masasabi ko lahat ng gusto ko sabihin bago kayo makapag comment.

namiss ko talaga ang pagsusulat. Campus journalist kasi ako simula nung elementary pa pati nung high school, un nga lang nawala ang momentum ko nung college, bukod sa pag hohost, pag peperform sa theatres namiss ko ang paghawak ng ballpen at pag iisip ng malamim mapa pag alala sa mga nakaraang pang yayari, pang bobola ng mga tao o di naman kaya pag iimbento ng mga kwentong barbero. oo nako, certefied barbero ako! haha!

mapa english man mapa tagalog, writing has always been my fashion, kahit sanay ako magsalita at natutuwa akong gawin yon, iba parin kapag papel o di kaya monitor lang muna ang kausap ko, malayo sa mapang husgang ewan ng mga tao.

sabe ko hindi na ko mag dradrama eh!
baket andrama ko paden???
wala na ata akong pag asa eh.
haha!

sana dumami pa ang nag babasa ng blog ko.
sana madami pa kong makilala dahil dito,
gusto kong magkwento ng magkwento ng tungkol sa buhay ko o kahit ano2.
kahit parang wala akong napapala sa ginagawa ko, meron kaya!!

SANA MAGING SIKAT NA BLOGGER AKO.
joke! biro lang!

ayoko ngang sumikat!
haha!
mas gusto ko ung mga simpleng tao lang ang mga humuhusga ng gawa ko, para hindi masyado mataas expectations, kasi hindi naman talaga ako magaling, minsan nga wrong grammar pa kahit filipino na. gusto ko lang talaga na nakakaapekto ako mula sa mga gawa ko, kasi pakiramdam ko effective ako. dito sa blog ko, AKO ANG BIDA, ako ang tama, ako ang batas, sasabihin ko lahat ng gusto ko, walang makakakontra, walang wrong grammar, redundant phrase at malicious sentences.

o pano, hanggang sa muli.
sa mga taong naniniwala saken, (sa mga pambobola ko)
well wish me luck!
hindi nyo lang alam kung gano kalaki na kocontribute nyo sa buhay ko.

sabe sainyo eh, wala na kong pag asa,
MADRAMA talaga!

PS.
add nyo ko sa fb:)

1 comment: