Monday, April 12, 2010

LAHAT NG NAIISIP KO


//Gusto ko sanang ipaling sa kanan ang blog na to pero hindi ko magawa. Pakaliwa kasi ang takbo ng utak ko sa mga sandaling to, kabaliktaran kasi yon.

Kung gumagamit ka ng C++, malamang alam mo na ang dalawang back slash(//) ay terminator na ang ibig sabihin ay ndi na dapat pang basahin ang mga sumusunod.

Bago ko simulan ang kwento ko, nais ko munang linawin ang tatlong bagay. UNA, walang kabuluhan ang unang pangungusap at di mo na yon dapat binasa(na obvious naman gusto ko lang sabihin). Pangalawa, ung sumunod na pangungusap ay tungkol sa unang pangungusap(ovious din). PANGATLO alam kong korni lahat ng pinagsasabe ko at wala ring kwenta ang mga yon, tulad nga ng sabe sa pamagat, LAHAT NG NAIISIP KO, kaya lahat lang talaga to ng pumasok sa isip ko.

Totoo na to. Game.

Kagabe, sa sobrang wala akong magawa kesa sa mag blog ako, naisip ko na lang matulog. Pero nung pahiga na ko sa kama ko, may color blue na box na umagaw ng atensyon ko. Kahon yun (malamang!) na nag lalaman ng mga kung anek anek ko sa buhay. Tumayo ako sa kama hindi para puntahan ung blue box kundi para kumuha ng tubig, at pagkatapos saka ko pinuntahan ung box. Andaming laman. Pero HINDI sila BASURA tulad ng laman ng mga kabinet ko at iba pang mga kahon sa kwarto ko. Mga bigay sila ng kung sino sinong tao.
*Special thanks to the following people::
@Sarah-ung mga loveletters mo saken!grbeh totpul mu talaga!
@Hazel Vilar-ung letter mo b4 grad, nakakatuwa, halatang matalinong tao ka.
@Krisia Cruz-nakakatouch ung letter mo parang may kwenta talaga kong tao. tnx.
@Ronie Aquino-kahit ganyan ka bes, alam ko love mo talaga ko.
@Elvene Eugenio-ilang beses ko din pinanghinayangan na crush mo pala ako dati.:))
@Mark Alvin Santos-dun sa mga papel na winagayway mo sa bintana during grad practice, nakakatats.
@High school friends-sa mga dedication cartolinas at kung anu2 pang anek anek.

Meron ding mga love letters, love notebooks, at kung anu pang remembrance ng kung sino sino. HaAy, namiss ko talaga ang highschool kgabe.
Hindi ko pala nabanggit ung color blue na STAR, actually palawit un ng blingbling na kwintas. haha syempre un ang pinaka espesyal. (Ayiee. Sino kayang nag bigay non? haha!)

FACTS: Korni talaga kong tao at mdrama pa, pero hindi kita pinipilit ni hindi kita inutusan na basahin tong mga sinulat ko, anupaman ang dahilan mo kung bakit mo ko pinag aaksayahan ng panahon, SALAMAT!:)

Andami kong gustong gawin ngayon. Gusto kong mag videoke. Gusto kong mag icecream. Gusto kong manuod ng Movie. gusto kong mag online. Pero kahit pag tambling di ko magawa. Bukod sa wala akong PERA, tinatamad ako.

Andame talagang nagagawa ng PERA sa buhay ng tao, Pwede kang mag shopping, mag swimming, mag out of town kaya, kapag madame kang pera. Dahil sa pera pwede kang maging masama, mabute kaya, pwede ka ding maging makabuluhan o di kaya walang kwentang tao. -wala lang pumasok lang din to sa isip ko. Kasi naman kapag BAKASYON WALANG PERA. *money.money.money:))

Meron akong isang kaibigan, Herbert ang pangalan niya, pero Obet ang tawag namin sakanya, meron siyang worth 2k na bag, pero butas ang medyas niya. Anu kaya ang nagawa sakanya ng pera?

Nag BLOG ako ng ganito.

Hindi dahil:

• Madaming magbabasa. (hindi naman ako sikat)
• Madami kayong matututunan at mapupulot sa blog ko.(wala namang kwenta lahat ng mga pinag sasasabi ko.)
• Kikita ako ng PERA.(wala naman akong napapala dito)

Dahil:

• Gusto ko.
• Trip ko.
• Masaya e.
• Wala akong magawa.
• Nababato ako.

Binabasa mo ang BLOG ko kahit korni at walang kwenta.
Una sa lahat tulad nga ng sabe ko hindi naman ako sikat. Boring yung mga sinasabe ko at nakakatawa lang ako, alam ko madameng nag sasabe at nakakaisip nyan. Pero ikaw bakit ka umabot dito? ang haba haba na ng post na to at dapat kanina ka pa nabadtrip saken. Siguro naiisip mo din na wala akong originality. Sa totoo lang pinag sama sama ko lang ung style ng mga writer ng mga nabasa ko sa style ng pag susulat ko eh. OO NA wala akong originality. Eh ano? Madrama din ako(obvious?). Pero binabasa mo parin ang blog ko, interesado ka cguro saken o di kaya mahalaga ako sayo o mas okay, mahal mo ko kaya pinagtyatyagaan mo ko, kung wala ka sa nabanggit, baka natutuwa ka lang sa blog ko(mas malabo un), o di naman kaya wala ka lang magawa, o pumapatay ka din ng oras tulad ko. watever.

Wish list:
*Sana mag text na ung kaibigan kong pumunta ng PMA.
*Sana magbago isip nya at sa NEU nalang siya ulet mag aral. :))
*Sana magka pera ako.

-Pasensya na. Kasama lang talaga yan sa LAHAT NG NAISIP KO.

No comments:

Post a Comment